Manila, Philippines – Dalawang bagyo ang binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Una ay si typhoon Lannie na huling namataan sa layon sa 1190 kilometers, silangan ng Aparri, Cagayan.
Hindi ito tatama ng lupa at inaasahang tutumbukin nito ang Taiwan pagdating ng Huwebes.
Ang tropical depression Maring naman ay nasa layong 135 kilometers, silangan ng Infanta, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 65 kph.
Kumikilos ito kanluran hilangang kanluran sa bilis na 11 kph.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1:
Metro Manila
Catanduanes
Camarines Norte
Camarines Sur
Northern Quezon (kasama ang Polilio Island)
Rizal
Bulacan
Pampanga
Quirino
Nueva Ecija
Tarlac
Zambales
Bataan
Pangasinan
Aurora
Quirino
Laguna
Nueva Ecija
La Union
Benguet
Nakataas din ang yellow rainfall warning sa Metro Manila, Cavite, Batangas, Bulacan, Quezon, Laguna at Rizal kung saan posibleng magdulot ng pagbaha sa mga mababang lugar.
Mamayang hapon, inaasahang magla-landfall ang bagyong Maring sa Aurora-Quezon area.
Asahan ang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, Bicol Region, CALABARZON at MIMAROPA.
Mapanganib namang maglayag sa mga silangang baybayin ng Aurora, Quezon at Bicol Region.