Dalawang bahay natupok, senior citizen Patay sa Dagupan City

921

Patay ang isang Senior Citizen matapos matupok ng apoy ang kanilang bahay sa Brgy. Caranglaan, Dagupan City. Damay din ang isa pa nitong katabing bahay.

Kinilala ang namatay na si Mario Cabansag, animnaput apat na taong gulang na naiwang natutulog sa kanyang tahanan.
Ayon kay FO1 Andrew Pasana, Duty Investigator na ang dahilan ng sunog ay ang naiwang pinaglutuang uling ng kanyang kasama sa bahay.
Dagdag pa nito gawa sa light materials ang unang unang palapag ng bahay kung saan natutulog ang biktimang si Cabansag.


Sa ngayon, ang bangkay ng biktima ay nasa kustodiya na ng SOCO para sa post mortem examination kung my foul play bang nangyari habang ang dalawang kasama nito ay ligtas, at nasa kustodiya na rin ng Barangay.
Samantala, nagpapaalala muli ang BFP Dagupan sa lahat na huwag iwanan ang ano mang pwedeng pagmulan ng sunog.
Photo Credit: BFP Dagupan

Facebook Comments

From Advertisers