Dalawang bahay sa Florida, nilamon ng sinkhole

World – Nasa red alert ngayon ang Florida matapos lamunin ng sinkhole ang dalawang bahay doon.

Ayon sa pagsusuri ng mga eksperto, maaari pang lumaki ang hukay kaya agad na inilikas ang nasa siyam na pamilya sa land o’ lakes.

Nabatid na aabot na sa 225 hanggang 250 feet ang lawak nito at may lalim na limampung talampakan ang nadiskubreng sinkhole.


Wala naman napaulat na nasugatan sa insidente maliban sa mga nasirang ari-arian.

Nabatid na labis na naapektuhan ng mga nakaraang pag-ulan ang pasco county.

 

Facebook Comments