
Dalawang bahay na gawa sa light materials ang nasunugan sa bayan ng Sison, Pangasinan madaling araw ng Disyembre 31, bisperas ng bagong taon.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang sunog bandang alas-3:55 ng umaga at agad na iniulat sa awtoridad.
Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Sison Municipal Police Station at Bureau of Fire Protection–Sison, at idineklarang fire out ang insidente bandang alas-4:50 ng umaga.
Ayon sa paunang imbestigasyon, ang sunog ay nagsimula sa isang hindi nabantayang kahoy na kalan.
Dalawang babaeng residente ng Sison, edad 32 at 43, ang may-ari ng mga bahay.
Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente, habang patuloy pang inaalam ang kabuuang halaga ng pinsala. #
Facebook Comments





