Tinupok ng apoy ang dalawang ancestral house sa Brgy. Puelay, Villasis, Pangasinan bandang ala una ng hapon noong Marso 23, 2026.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Villasis, mabilis na rumesponde ang mga bumbero upang apulahin ang sunog at maiwasan ang pagkalat nito sa kalapit na mga bahay.
Sa kabila ng insidente, wala namang naitalang nasawi o nasugatan.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsalang dulot nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






