Dalawang Bangka nagkasalpukan, 4 Patay, 1 nawawala

Kinilala ang mga nasawi na sina Jomar Ugak, Johaina Salem na kapwa mga college students at Ustads Elme Norodin at Pude Guiaral habang patuloy na pinaghahanap pa si Sidik Esmael

Sa impormasyong mula kay Sultan Kudarat Adminsitrator Banjo Mampon mag aaalas nuwebe gabi ng sabado naitala ang aksidente sa ilog sa bahagi ng Brgy. Bulibod Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kapwang walang ilaw nagkasalpukan ang mga nasangkot na mga motorized Bangka.
Nagmula sa Cotabato City ang isang Bangka na may sakay na sampung indibidwal habang nagmula sa Sultan Kudarat ang isa pang Bangka na lulan ng 3 katao.


Karamihan sa mga namatay ay may sugat sa ulo. Nasa custody ngayon ng kapulisan ang mga sakay ng nakabanggang Bangka na nagmula sa Sultan Kudarat. Habang nasa ospital ang dalawang iba pa.

Umapaw naman ang pakikiramay at kalungkutan mula sa mga kaibigan at nakakakilala sa mga nasawi.
CCTO Pic

Facebook Comments