Dalawang barangay sa Makati na nasa boundary ng Pasay, posibleng isailalim na rin sa lockdown

Posibleng magpatupad na rin ng special concern lockdown ang Makati City sa dalawa nitong barangay

Sa press briefing ng Department of Health (DOH), tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya ang Brgy. Bangkal at Brgy. Pio Del Pilar na nasa boundary ng Pasay.

Sa datos ng Makati City Health Department, nangunguna ang Brgy. Pio Del Pilar sa may pinakamataas na aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod na umaabot sa 126.


Kasunod nito ang katabing Brgy. Bangkal na may 82 aktibong kaso.

Ipinauubaya naman ng DILG sa pamahalaang lungsod ng Makati ang opisyal na paglalabas ng deklarasyon sa pagpapatupad ng lockdown sa dalawang nabanggit na barangay.

Facebook Comments