Dalawang barko ng Philippine Navy, na-rescue ang mga stranded na mangingisda sa Mariveles, Bataan

121

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Navy na sakay ng kanilang dalawang barko, ito ang BRP Jose Rizal at BRP Manobo ang apat na mangingisda na karagatang sakop ng Mariveles, Bataan.

Ayon kay Philippine Navy Fleet Public Affairs Officer Lt. Commander Ryan Luna, matapos na makatanggap ng radio call ang mga sakay ng dalawang barko ay agad silang nag-maneuver para agad puntahan ang motorized fishing boat na Jhon and Jan at saklolohan ang mga mangingisda na mga residente ng Naic, Cavite.


Sila ay palutang-lutang na sa dagat ng dalawang araw matapos na masira ang makina ng bangka na kanilang sinasakyan.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Luna na ang presensya ng mga Philippine Navy asset sa buong bansa ay hindi lang para bantayan ang mga maritime territory ng bansa kundi maging pag-rescue sa mga nangangailangan ng tulong.

Facebook Comments