Balik na muli sa paglalayag ang BRP Ramon Alcaraz ng Philippine Navy matapos maantala ang misyon pabalik ng bansa mula sa India matapos masunog ang engine room nito noong May 10, 2020.
Ayon sa Philippine Navy, naayos na ang nasunog na main engine room ng BRP Ramon Alcaraz at mula sa Cochin, India, patungo na ito ng Sri Lanka para sunduin ang nai-stranded na mga Pinoy doon.
Kasamang bumibiyahe ng BRP Ramon Alcaraz ang BRP Davao Del Sur na kapwa dadaong muna sa Port of Colombo sa Sri Lanka bukas, May 29, para isakay ang mga stranded na Pilipino doon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sakay din ng mga barko ang medical team ng Philippine Navy para mag-monitor sa kalusugan ng repatriates.
Facebook Comments