Mariing iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing, China ang pananatili pa rin ng mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng sinabi ni Pangulong Duterte na isa lamang biro ang ipinangako niyang proteksyon sa mga Pilipinong mangingisda nung siya ay nangangampanya pa lamang.
Sa isang taped meeting na inere ngayong araw, sinabi ng Pangulo na mayroon pang dalawang barko ang Pilipinas sa West Philippine Sea na lumalayag sa paligid ng Kalayaan islands at Mischief Reef.
Mananatili naman ang mga barkong ito sa kanilang kinaroroonan at ibinanta pa sa China na kung papaalisin ang mga ito ay dito na matatapos ang kanilang pagkakaibigan.
Patuloy namang iginiit ni Pangulong Duterte na ayaw niyang makipag-away sa China dahil may utang na loob siya dito.
Sa ngayon, nasa 287 Chinese maritime militia vessels ang namataan sa bahagi ng 200-nautical mile na Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa, kabilang na ang nasasakupan ng bayan ng Kalayaan sa Palawan.