Dalawang barko sa Ilocos Norte, sumadsad dahil sa Bagyong Marce

Iniulat ng Philippine Ports Authority (PPA) na may dalawang barko ang sumadsad sa dalampasigan Hilagang parte ng Luzon.

Ito’y dahil sa pananalasa ng Bagyong Marce.

Ayon sa PPA, sumadsad ang MV Aries at Panphil 8 sa baybayin ng Brgy. Victoria, Currimao, Ilocos Norte.


Nakipag-ugnayan na ang PPA sa mga shipping line at Philippine Coast Guard (PCG) para sa inisyal na inspeksyon.

Ang Panphil ay naghihintay na lamang ng conversion nito mula foreign hanggang marehistro bilang barko ng Pilipinas.

Ang MV Aries naman ay isang vessel para sa mga dredging operation sa Padsan River, Laoag.

Kagnay nito, patuloy na naka-monitor amg PPA sa sitwasyon sa mga pantalan lalo na’t may isa pang bagyo ang inaasahan kung saan pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa shipping company para sa schedule ng biyahe.

Facebook Comments