Dalawang bata patay, apat sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

Nasawi ang dalawang bata habang apat ang nasugatan sa nangyaring pagsabog malapit sa isang pamilihang-bayan sa Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Sa inisyal na ulat, ang mga biktima ay isang 10-taong gulang na batang babae, at kaniyang pitong taong gulang na kapatid na lalaki.

Ang kanilang nakababatang kapatid, ina at dalawang iba pa ay nasugatan, agad naman isinugod sa ospital.


Ayon kay Kitango Chairman Mando Tambungalan, mortar ang posibleng sumabog.

Patuloy na iniimbestigahan ito ng Datu Saudi Ampatuan Police ang insidente.

Samantala, sinabi naman ni 6th Infantry Division Spokesperson, Lieutenant Colonel Edgardo Vilchez, nakikipagtulungan na sila sa pulisya sa imbestigasyon.

Facebook Comments