DALAWANG BATA SA BAYAMBANG, LIBRENG NAOPERAHAN SA PUSO

Libreng naoperahan sa puso ang dalawang bata sa Bayambang sa pamamagitan ng Mayor’s Action Center ng nasabing bayan.
Ang mga bata ay sina Gabriel Velasco, pitong taong gulang at Zayn Kaizer Sanchez, apat na taong gulang.
At kahit nasa murang edad pa lamang ang mga bata ay kinaya naman ng mga ito ang ipinagkaloob na operasyon.

Sumailalim ang dalawa sa isang libreng operasyon sa puso kung saan malaki naman ng pasasalamat ng kani-kanilang pamilya dahil sa wakas ay naoperahan na ang mga bata at kahit papaano ay nabawasan ang kanilang paghihirap.
Nagbigay naman ng pasasalamat ang mga pamilya ng mga napagamot na mga bata sa alkalde ng bayan para sa malaking tulong na naibigay ng kanilang Foundation hindi lamang sa pagpapagamot ng mga bata kung hindi pati rin sa pagsasagawa ng operasyon nang wala silang ginastos. |ifmnews
Facebook Comments