Dalawang bata sa Bulacan, patay sa hinihinalang kaso ng Meningococcemia

Dalawang bata sa bulacan ang nasawi dahil sa pinaniniwalaang kaso ng Meningococcemia.

 

Ang mga ito ay may edad isa at tatlong taong gulang.

 

Isinugod sa isang ospital sa Santa Maria Bulacan ang dalawang bata makaraang makitaan ng sintomas ng nasabing sakit gaya ng pagsusuka, rashes, ubo at lagnat.


 

Gayunman, inaalam pa ng mga health authorities kung nasawi nga ang mga bata dahil sa Meningococcemia.

 

Binigyan na rin ng kaukulang medikasyon ang mga kaanak at iba pang nakasalamuha ng mga bata.

Facebook Comments