DALAWANG BATANG KUWAGO, NASAGIP SA NASUSUNOG NA TALAHIBAN SA BRGY. BARI, MANGALDAN

Nasagip ng grupo ng kabataan ang dalawang batang kwago mula sa isang nasusunog na talahiban sa Purok 3 ng Barangay Bari, Mangaldan noong Linggo, Enero 18,2026.

Ayon sa lokal na pamahalaan, itinurn-over din ang mga kuwago sa pangangalaga ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) kahapon, Enero 21.

Ayon sa mga kabataan, pinaghihinalaang may mga iba pang namamahay na kuwago sa lugar bukod pa sa mga nasagip mula sa nasusunog na talahiban.

Kalaunan, inilipat din sa pangangalaga ng CENRO Central Pangasinan sa Dagupan City ang mga kuwago na tinukoy na isang babae at lalaki, upang mabigyan ng maayos na tirahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments