Dalawang bayan sa Marinduque, isinailalim sa state of calamity dahil sa rabies ayon sa Bureau of Animal Industry

Isinailalim sa state of calamity ang dalawang bayan sa Marinduque dahil sa mataas na kaso ng rabies.

Ayon kay Dr. Sheng Ordinario, ang focal person on rabies ng Bureau of Animal Industry, kabilang sa idineklarang nasa state of calamity ay ang Boac at Buenavista.

Ani Ordinario, dati ay walang animal rabies cases sa Marinduque.


Naideklara pa nga aniya ang lalawigan na Rabies Free.

Pero, nitong huling bahagi ng 2023 ay nagsimula nang ma-monitor ang pagpositibo sa rabies ng mga aso, baka at baboy.

Nagsimula ang pagkalat ng rabies mula sa bayan ng Boac, Gazan, Mogpog hanggang Buenavista.

Sa pinakahuling tala, ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Josue Victoria, may naitala nang dalawang pagkamatay ng tao.

May 89 na rin na naitalang rabies cases sa mga aso.

Mula sa naturang bilang, 42 ang nakumpirma ng laboratory tests.

Nakakagat na rin umano ang mga asong may rabies ng 6 na baboy, 3 baka at isang usa.

Facebook Comments