DALAWANG BAYAN SA PANGASINAN, NANANATILI PA RING ASF INFECTED ZONE AYON SA DA

Nananatili pa rin sa ilalim ng infected zone ang mga bayan ng Urbiztondo at Anda, Pangasinan sa binabantayang African Swine Fever ng Department of Agriculture.
Ito ay base sa pinakahuling ASF Zoning Status ng Bantay ASF sa Barangay ng DA sa pamamagitan ng Bureau of Animal Industry mula Abril 4 hanggang Mayo 4 sa buong bansa kung saan kabilang pa rin sa listahan ang dalawang nabanggit na bayan sa lalawigan na infected o nasa red zone pa rin ng ASF.
Bukod dito, nakalista sa ilalim ng ‘Pink’ o ‘Buffer Zone’ ang 14 na bayan at lungsod sa lalawigan, katulad ng Dagupan City, San Carlos City, Asingan, Bani, Basista, Bayambang, Bolinao, Bugallon, Calasiao, Lingayen, Mangatarem, Santa Barbara, Tayug, at Laoac kung saan ang status na ito ay nagsisilbing buffer, kung saan walang ASF ngunit katabi ng isang infected zone.

Mayroon namang 31 bayan at dalawang lungsod sa probinsiya ang nakalista sa ilalim ng ‘Yellow’ o ‘Surveillance Zones’, na itinuturing na mga lugar na may mataas na peligro dahil sa dami ng mga baboy, at dami ng kalakalan ng mga karne nito gaya na lamang ng mga bayan ng Agno, Aguilar, Alaminos City , Alcala, Balungao, Bautista, Binalonan, Binmaley, Burgos, Dasol, Infanta, Labrador, Lingayen, Mabini, Malasiqui, Manaoag, Mangaldan, Mapandan, Natividad, Pozorrubio, Rosales, San Fabian, San Jacinto, San Manuel, San Nicolas, San Quintin, Santa Maria, Santo Tomas, Sison, Sual, Umingan, Urdaneta City, at Villasis.
Sa pinakahuling zoning status na itinakda ng DA, nanawagan ngayon ang Provincial Veterinary Office ng Pangasinan sa mga LGUs magkaroon ng mahigpit na pagpapatupad at sumunod sa itinakdang Movement Plan para sa ASF na inisyu ng ahensya. |ifmnews 
Facebook Comments