Plano ng Department of Education (DepEd) na magpatupad ng dalawang beses sa isang linggong paglalabas ng sahod sa mga public school teachers at iba pang personnel.
Ayon kay Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, mareresolba nito ang personal financial management ng mga guro.
Makakatulong din ito para hindi na mapilitan ang mga guro na mangutang.
Ang pilot testing ng pag-download ng payroll processing ay mula sa kasalukuyang set up sa Regional Offices (ROs) at Schools Division Offices (SDOs).
Ang pagpapatupad ng dalawang beses sa isang linggong paglalabas ng sahod sa mga teaching at non-teaching personnel ay nakadepende sa kahandaan ng SDOs.
Facebook Comments