Dalawang biktima ng pananambang sa QC, kinilala na

Kinilala na ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang napatay matapos pagbabarilin sa Tandang Sora Avenue, kaninang umaga.

Kinilala ang mga ito na sina Dr. Roland Cortez, Medical Chief ng National Center for Mental Health (NCMH) at empleyado ng naturang ospital na si Ernesto Dela Cruz.

Nangyari ang pamamaril sa dalawa bandang alas 7:30 kaninang umaga sa kanto ng Casanova Drive at Tandang Sora Avenue sa Culiat Quezon City.


Sinundan umano ng riding in tandem sina Cortez at Dela Cruz habang sakay ng kulay pulang toyota vios na pag-aari ng NCMH.

Tinitingnan ngayon ng QCPD kung nahagip ng CCTV ang pananambang.

Facebook Comments