Dalawang Binata sa Echague Isabela, Naaktuhang Gumagamit ng Shabu-Isa Nakatakas!

Echague, Isabela – Naaktuhan ng mga kapulisan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang dalawang binata sa isang sementeryo kahapon sa Brgy. Cabugao, Echague, Isabela.

Arestado si Resty Alonzo, dalawamput dalawang taong gulang, residente ng Brgy. Silauan Norte, Echague, Isabela samantalang pinaghahanap parin hanggang sa ngayon ang kasamahan nito na si Marco Agustin na residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa pangyayari, biglang tumakbo amuno si Agustin nang mapansin nila ni Alonzo ang presensya ng mga pulis sa kanilang kinaroroonan habang gumagamit ng droga.


Nakuha sa pag-iingat ni Alonzo ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, isang lighter, anim na aluminum foil, isang posporo at isang tube ng ballpen.

Nasa himpilan na ng PNP Echague si Alonzo maging ang mga nakumpiska sa kanya para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments