Dalawang binatilyo, arestado sa pagnanakaw ng motorsiklo sa QC

126

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang binatilyo na notoryus sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Quezon City.

Ayon kay QCPD station 4, police community presinct 3 team leader, Senior Insp. Dennis Francisco – ang mga suspek na may edad 16 at 15-anyos ay tila eksperto sa pangangarnap ng motorsiklo.

Aniya, kaya nitong paandarin ang motorsiklo kahit walang susi.


Sa isinagawang operasyon, agad natunton ang mga kinaroroonan ng mga suspek.

Idinala na sa social services development department ng lungsod ang dalawang suspek.

Pinag-aaralan na rin kung pwedeng kasuhan ng carnapping ang mga menor-de-edad.



Facebook Comments