Dalawang biyahe ng Cebu Pacific kanselado dahil sa sama ng panahon

NAIA – Kanselado na ang dalawang biyahe ng Cebu Pacific sa Ninoy Aquino International Airport

Batay sa Manila International Airport Authority – ang flight ng Cebu Pacific – DG 6111 na Manila to Naga at flight DG 6112 na Naga to Manila ngayong araw ay kinansela dahil sa masamang panahon.

Ang mga apektadong pasahero ay maaring makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.


Sa abiso ng PAGASA, kabilang ang Bicol region sa nakararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ngayong araw dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na umiiral sa Luzon at Visayas.

Facebook Comments