Dalawang bouncer, arestado matapos bugbugin ang isang barbero sa Sampaloc, Maynila

Sampaloc – Dahil sa utos ng kanilang amo, arestado ang dalawang bouncer ng bar matapos pagtulungan bugbugin ang isang lasing na barbero sa Maceda kanto ng Maria Clara Street sa Sampaloc, Maynila.
Nakilala ang mga suspek na sina Leo Mendoza at Rowel Villena habang pinaghahanap ang iba pang kasamahan ng mga ito at ang kanilang amo na si alyas Melvin.
Sa imbestigasyon, hinarang mga suspek ang biktima na si Adornado Jandaya ng mapadaan sa kanilang bar kasama ang pinsan na si Junnie.
Bigla nalang ginulpi ng walo hanggang sampung mga lalaki ang biktima at pinukpok pa ito ng baril sa ulo kung saan hindi na nagawang tumulong ng pinsan dahil tinutukan ito ng armalite ng may-ari ng bar.
Depensa ng mga suspek, tinuruan lang nila ng leksyon ang biktima dahil madalas daw itong nagwawala sa kanilang pwesto kapag nakakainum.

Facebook Comments