Dalawang bus, nasunog sa Maynila

Nasunog ang dalawang bus ng EagleStar sa Dimasalang Street sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila, nagsimula ang sunog bago mag-alas-9:00 ng umaga at tuluyang naapula makalipas ang isang oras.

Ang nasabing bus ay nakagarahe lamang sa terminal kung saan ayon sa ilang driver, nakita na lamang nila na nagliyab ang bus na may body number na 5382.


Pero, nadamay ang katabing bus na may body number na 5482 at halos natupok ng tuluyan ang dalawang bus.

Wala namang nasaktan o nasawi sa insidente habang hindi nadamay ang katabing mga bahay dahil sa taas ng pader ng bus terminal pero may ilang residente ang nakaranas ng hirap ng paghinga dahil sa kapal ng usok.

Hindi pa rin matukoy kung ano ang pinagmulan ng insidente maging ang halaga ng pinsala.

Facebook Comments