Inirekomenda ng Department of Agricultre (DA) magkaroon ang Pilipinas ng dalawang buwang buffer stock ng bigas para matiyak ang food security sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang rice buffer stock ng National Food Authority (NFA) ay magtatagal lamang ng hanggang 15 araw, kaya nais niyang madagdagan ang buffer stocking level ng bansa.
Nasa ₱3 billion ang inilaan para Rice Farmers Financial Subsidy at ₱10 billion sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Ang RCEF ay nakamandato sa ilalim ng Rice Tariffication Law na layong tulungan ang mga lokal na magsasaka na mapabuti ang kanilang kabuhayan.
Ang pondo ay manggagaling mula sa tariff collections mula sa rice import.
Facebook Comments