Arestado ang tatlong lalaki sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Pangasinan kahapon, Nobyembre, na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng hinihinalang shabu at buy-bust money.
Sa Calasiao, isang 32-anyos na lalaki, walang trabaho at residente ng bayan, ang nahuli bandang matapos isagawa ng Calasiao Municipal Police Station ang operasyon kasama ang PDEA RO1.
Nakumpiska mula rito ang 1.8 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang heat-sealed sachet na may halagang Php12,240.
Kabilang rin sa nakumpiska ang buy-bust money na Php500 at dalawang Php1,000 na bill bilang boodle money.
Samantala, sa Mangaldan, dalawang lalaki, 29 at 19 anyos, parehong walang trabaho at residente ng Mapandan, ang naaresto sa isang buy-bust operation ng Mangaldan Police Station.
Nakumpiska sa kanila ang 0.6 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa dalawang sachet at Php500 buy-bust money.
Ang inventory at pagmamarka ng ebidensya ay isinagawa rin sa lugar sa presensya ng mandatory witnesses at ng mga suspek.
Nagkasundo na rin ang dalawang panig ukol sa pagpapaayos sa napinsalang sasakyan.









