Arestado ang dalawang suspek na sangkot sa ilegal na droga sa magkahiwalay na operasyon na ikinasa sa Mangaldan, Pangasinan noong Pebrero 3 at 4.
Sa unang operasyon, isang 48-anyos na babaeng residente ng Barangay Malabago ang huli sa isinagawang operasyon ng pulisya kung saan nasamsam sa tahanan ng suspek ang tatlong plastic sachet na may 2 gramo ng hinihinalang shabu at may tinatayang halaga na PHP13,600.
Samantala, pagsapit ng gabi, ikinasa naman ang isa pang operasyon laban sa isang 46-anyos na lalaking kinilala bilang alyas “Steve” at residente naman ng Barangay Poblacion, Mangaldan.
Matapos maaresto ang suspek, nasamsam ang tatlong sachet na may 3.5 gramo ng hinihinalang shabu at may tinatayang halaga na PHP23,800.
Ayon sa mga awtoridad, ang lahat ng ebidensya ay isinailalim sa inventory at pagmamarka alinsunod sa batas.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








