Dalawang C-130 US aircraft, nagdala ng ayuda sa mga biktima ng landslide sa Davao City

Naghatid ang dalawang C-130 aircraft ng United States Marine Corps ng 4,800 na mga kahon ng family food packs sa Davao City mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kahapon.

Ang mga benepisyaryo ay mga biktima ng landslide sa Davao at CARAGA regions.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, kabuuang 12 biyahe ng dalawang eroplano ang target kung saan layon nitong makapag-deliver ng 15,000 family food packs hanggang ngayong araw, February 14, 2024.


Ani Trinidad, ang joint effort ng dalawnag bansa ay pagpapakita ng commitment sa katatapos lang na US-Philippine Maritime Cooperative Activity.

Samantala, naghatid din ng relief supplies ang Philippine Air Force sa mga biktima ng landslide.

Kabilang sa mga hinatiran ng kahon-kahong relief goods ay ang Barangay Poblacion, Manay, Barangay Taocanga sa Davao Oriental.

Kasunod nito, nangako ang AFP na patuloy na tutulong sa ating mga kababayan na apektado ng kalamidad.

Facebook Comments