Dalawang Carnapper sa Tuguegarao City, Nakorner Dahil sa GPS!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City – Matagumpay na nasakote ng mga kapulisan ang isang ninakaw na sasakyan at dalawang carnapper dahil sa makabagong teknolohiya na Global Positioning System o GPS sa Barangay Pengue, Tuguegarao City kahapon ng gabi, March 14,2018.

Sa impormasyong ibinahagi sa RMN Cauayan ni Chief PSupt Chevalier R. Iringan ng Regional Public Information Office, kinilala ang mga suspek na sina Red Zumar Rioca, 39 anyos, may asawa, negosyante at residente ng San Roque St., Pengue, Tuguegarao City at Jestony Rioca, 23 anyos, may asawa, helper at residente ng Afusing Daga, Alcala, Cagayan.

Samantala ang ninakaw na sasakyan ay isang puting Toyota Vios na may plate number APA 2656 na pag-aari ni Sherwin San Roque, residente ng San Miguel Street, Balubaran Malinta, Valenzuela City.


Batay sa pangyayari, unang nag-paabot sa PNP Tuguegarao City si PCI Reynaldo N. Maggay ng Station 2 Santiago Police Station na ang naturang sasakyan ay nakita dahil sa GPS na nasa kahabaan ng San Roque St.,Pengue,Tuguegarao City partikular sa lugar ng isang motel na pag-aari ni Rioca.

Dahil dito kaagad na nagtungo ang PNP Tuguegarao sa nasabing lugar na kinaroroona ng nakarnap na sasakyan at nagresulta ng pagkakaaresto kay Red Zumar At Jestony Rioca.

Nakuha rin sa pag-iingat ng dalawa ang isang baril na may dalawang magazine na puno ng bala.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 6539 at RA 10591 laban sa dalawang carnapper.

tags:Luzon, RMN News, DWKD 985 Cauayan, Chavalier Iringan, Reynaldo Maggay

Facebook Comments