Dalawang Chinese businessman na sangkot sa anomalya sa Customs, ikinulong sa Senado

Manila, Philippines – Ikinulong sa Senado ang dalawang Chinese businessman matapos silang ma-cite for contempt.

Ito ay matapos nga na ipag-utos na ma-cite for contempt sina Manny Li at Richard Chen dahil sa pabago-bagong testimonya ng mga ito sa usapin ng shipment ng higit P6.4 billion na halaga ng shabu mula sa Bureau of Customs (BOC).

Kwento ni Chen – nalaman nitong shabu ang kargamento idinala sa kanyang warehouse nang tawagin siya ng pinuno ng BOC sa China.


Paliwanag naman ni Li – naghanap lamang siya ng tracking company na magdadala ng shipment ni Chen deretso sa kanyang bodega.

Hindi rin alam ni Li kung kanino ang shipment at pupuntahan nito.

Sinabi naman ni Kenneth Dong, Consultant ni Li – nagbigay lamang siya ng listahan na nasa loob ng kargamento.

Siya aniya ang nag-contact sa broker na si Mark Taguba para ayusin ang release ng mga kargamento.

Ipinag-utos din ni Sen. Gordon na i-request sa Bureau of Immigration (Bi) na magpalabas ng hold departure order laban sa lahat ng mga isinasangkot sa ilegal na shipment ng lampas kalahating tonelada ng shabu sa BOC.

Muling ipagpapatuloy sa August 15 ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Facebook Comments