Manila, Philippines – Mahaharap sa paglabag sa anti-camcording act ang dalawang Chinese national matapos silang mahuling kinokopya gamit ang hidden kamera ang isang sikat pelikula na Pirates of the Caribbean sa isang sinehan sa Pasay City.
Kinilala ang mga nahuli na sina Zhu Dan, 28 anyos, at Chen Xiu Ying, 20 anyos, parehong Chinese national na wala pang isang linggo na nagbabakasyon dito sa Pilipinas.
Ang isa pa nilang kasamahan ay nakatakbo habang dinadala sila sa presinto.
Ayon sa mga security officer ng cinema na sina Judy Ann Beting at Erickson Disonglo, naaktuhan ang tatlong tsino na kinukuhaan ang naturang English movie gamit ang kanilang cellphone.
Unang dinala sa Cinema administration office ang mga suspect pero nagmatigas ang tatlo na i-surrender ang kanilang mga cellphone.
Napilitan ang mga opisyal ng cinema na ipakulong sa Pasay City Police ang mga suspect para sampahan ng kaukulang kaso.
Kung mapatutunayang guilty, 50,000 pesos hanggang 750,000 pesos ang multa ng mga lumabag sa anti-camcording act, bukod pa sa pagkakakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon.
Samantala, hinahanap pa ang isang nakatakas.
DZXL558, Mike Goyagoy