Manila, Philippines – Nasabat ng mga ahente ng Bureau of Customs ang dalawang Chinese National matapos magdala ng mga kontrabando na dumaan sa X-ray machine sa Naia Terminal 1.
Sina Gong Yongjie 26 anyos at Wang Ji 22 anyos kapwa mula sa Guangzhou China lulan ng China Southern Flight CZ 3091 nang pigilan ng Customs agent nang mapansin na ang dala-dalang nilang bagahe na dumaan sa X-ray ay may kahina-hinalang bagay.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña natuklasan ng customs-NAIA agents ang 187 piraso ng bagong One Time Password cards at 153 pirasong lumang ATM, Debit card at bagong Sim cards.
Paliwanag naman ni Maj. Jaybee Raul Cometa head ng X-ray Inspection project ang One Time Password cards ay ginagamit bilang cloning device para makakuha ng data sa ATM cards upang mailipat ang mga laman ng naturang mga ATM.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act 8484 o The Access Device Act ang dalawang Chinese National sa Pasay City Prosecutors Office.