Dalawang Civilian Instructor, posibleng may pananagutan sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Mario Telan Jr.  

Pinagpapaliwanag ng Philippine Military Academy ang dalawang Civilian Swimming Instructor sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Mario Telan Jr.

Sa kuha ng CCTV sa swimming pool ng PMA dakong alas-11:00 ng umaga nitong Biyernes, makikitang hirap sa paglangoy si Telan.

Ilang sandali, makikitang nakikipagbiruan pa ito sa mga kapwa Plebo nang umahon sa swimming pool.


Pagdating ng alas-11:30 ng umaga nang mag-dive ito sa 15-Feet na lalim na bahagi ng pool subalit walang nakapansing hindi na siya naka-ahon.

Hindi rin nagkaroon ng head count bago nagsimula at pagkatapos ng kanilang Practical Examination.

Ayon kay PMA Spokesperson, Capt. Sheryl Tindog, hindi sana ito nangyari kung nagsagawa lamang ng Standard Operating Procedure

Sinabi naman ni Baguio City Chief of Police, Col. Allen Rae Com, walang nakitang foul play sa nangyaring pagkalunod ni Telan.

May pananagutan aniya ang mga Swimming Instructor.

Sa ngayon, suspendido pa rin ang lahat ng swimming classes sa PMA.

Ito na ang ikatlong kaso na may namatay na Kadete sa loob ng akademiya ngayong taon.

Facebook Comments