Dalawang company ng elite Special Action Force (SAF) ang nakatakdang Ideploy ng Philippine National Police sa Cebu City.
Ito ay upang tumulong sa mahigpit na magpapatupad ng quarantine protocols sa lungsod bunsod na rin ng mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Joint Task Force Covid Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, kinabibilangan ng 150 SAF Commandos ang bawat isang company.
Bukod rito, nakatakda rin magdeploy ng mobility asset ang SAF tulad ng multi-purpose armored vehicles na ginamit din noong nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila.
Facebook Comments