Dalawang Construction Worker, Natabunan sa Ginagawang gusali, Isa Patay!

Tuguegarao City- Patay ang isa sa dalawang construction workers matapos matabunan sa gumuhong pader sa ginagawang gusali sa Brgy. Caggay, Tuguegarao City partikular sa harap ng MCNP kahapon, Marso 8, 2018.

Kinilala ang mga biktima na sina Mario Javier, 49 anyos, at Von Ryan Coles,32 anyos mga pawang construction workers at residente ng Brgy. Bassao, Gattaran Cagayan.

Batay sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan News Team, aksidenteng nasagi umano ng mga biktima ang lupang pader habang naglalagay ng posteng bakal sa ginagawang comercial building na naging dahilan upang ito ay gumuho at sila’y matabunan.


Tinatayang ang dalawang biktima ay natabunan sa lalim na mahigit kumulang labing dalawang talampakan.

Naisinugod pa umano sa pinakanakamalapit na ospital ang dalawa ngunit idineklarang dead on arrival si Javier.

Samantala, kasalukuyan nang nagpapagaling ngayon ang kanyang kasamang si Coles.

Facebook Comments