Dalawang construction worker, patay sa pamamaril sa Agusan del Norte

Agusan Del Norte, Philippines – Dalawa ang patay samantalang isa naman ang sugatan sa pamamaril ng tatlong armadong lalaki na nakasakay sa single motor sa Brgy. Crossing, bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte.

Kumalat ang dugo sa lugar matapos pagbabarilin ng mga di pa nakikilang saralin ang mga biktima na nakaupo lamang sa isang sidecar motorcycle habang nakatingin sa telebisyon alas 7:45 kagabi.

Ayon kay SPO1 Teotan Contreras ng Kitcharao MPS, on the spot patay sina na Julito Gaviola, Jr., 35 anyos; at Allan Jalina, 29 anyos, na pawang mga construction workers.


Nagpapagaling naman sa hospital ang isa pa nilang kasama na sugatan sa insidente na si Ariel Acondo.

Patuloy pa umanong iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente para alamin ang motibo lalo pa’t wala naman sa drug watch list ng PNP ang tatlong biktima.

Facebook Comments