Dalawang contractual employee ng DPWH na dinukot ng armadong kalalakihan sa Sulu, pinalaya na

Sulu, Philippines – Pinalaya na nang armadong grupo ang dalawang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Sulu 1st district.

Ito ang kinumpirma ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander joint task force Sulu.

Aniya, alas -8:30 ng gabi kagabi ng palayain ang dalawang bihag na sina Alriznor Halis, drayber ng DPWH na taga –Luuk, Sulu at Aljimar Ahari, asst. driver ng DPWH sa Sulu, 1st district.


Pinalaya aniya ito dahil sa matagumpay na negosasyon.

Ang dalawang tauhan ng DPWH ay sapilitang tinangay ng mga armadong kalalakihan noong Sabado, April 29, sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu.

DZXL558

Facebook Comments