Kadalasang nakikita mula sa mga samples na sumasailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center ang dalawang variant ng COVID-19.
Ayon kay University of the Philippines – National Institute of Health (UP-NIH) Executive Director Dr. Eva Maria Cutiongco-Dela Paz, ang B.1.1.7 at B.1.351 variants ang most common variants na nade-detect sa halos 4,300 samples.
Ang dalawang variants na unang nadiskubre sa United Kingdom at South Africa ay itinuturing na “variants of concern” sa Pilipinas.
Ang P.3 variant ay nakita sa Pilipinas ay “variant under investigation” at kailangan pang pag-aralan.
Sinabi ni Dela Paz na karamihan sa sequenced samples na may P.3 variant ay mula sa Central Visayas habang ang iba ay mula sa Metro Manila.
Binigyang diin ni Dela Paz ang kahalagahan ng early detection at isolation para mahinto ang transmission ng bagong variants sa bansa.