Dalawang crew ng BRP Jose Rizal, positibo sa COVID-19

Positibo sa COVID-19 nang i-swab test ang dalawang crew ng bagong-kumisyong BRP Jose Rizal, na nakatakdang maglayag ngayong July 29, 2020 patungong Hawaii para sa Rim of the Pacific (RIMPAC) 2020 naval exercise.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lt. Commander Maria Christina Roxas, inilipat na sa on-shore quarantine facility ang dalawang Navy personnel, habang patuloy ang kanilang paghahanda para sa unang misyon ng BRP Jose Rizal sa Hawaii.

Ang iba pang Navy personnel na lalahok sa RIMPAC bukod sa crew ng BRP Jose Rizal ay naghinintay pa sa resulta ng kanilang mga swab test.


Negatibo naman sa swab test si Navy Chief Vice Admiral Giovanna Carlo Bacordo, Navy Vice Commander Rear Admiral Rey Dela Cruz, Philippine Fleet commander Rear Admiral Loumer Bernabe at Offshore Combat Force Commander Commo. Karl Decapia.

Ang mga opisyal ay magkakasama sa commissioning ceremony ng BRP Jose Rizal noong July 10, 2020 kung saan may dumalong Navy Officer na nagpostibo sa COVID-19.

Facebook Comments