Sumabak ang nasa dalawang daang kabataan mula sa lalawigan ng Pangasinan kung saan hinasa at sinanay ang mga ito sa mga paraang tungo sa mas maayos na pagtatrabaho.
Nagmula ang mga kabataang ito sa dalawang lungsod mula Alaminos at Dagupan City para sanayin ang mga ito upang maging productive at matibay na miyembro ng labor force sa rehiyon 1 kung saan isinagawa din ang Memorandum of Agreement ng mga ito para sa kanilang pagsisimula.
Ang naturang aktibidad na ito ay pinangungunahan ng DOLE at sa programa nitong JobStart na nangangasiwa sa mga kabataan walang trabaho.
Ito ay may layuning mapalakas at mapabuti pa ang kakayahang magagamit ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagbawas ng kanilang panahon sa paghahanap ng trabaho.
Ang programang ito ay ginawa upang mabigyang pansin ang mga kabataang nangangailangan ng trabaho.
Tiwala naman ang kagawaran ng DOLE na matutulungan ang mga kwalipikadong kabataan para mas maging matibay at upang magamit ito tungo sa mas magandang buhay ng isang kabataan.