STA. BARBARA, PANGASINAN – Aabot sa dalawang daang local farmers ng bayan ng Sta. Barbara ang sumasailalim ngayon sa isang training patungkol sa utilization ng bagong teknik ukol sa hybrid rice production technologies maging ang pagsasanay sa pest and disease management.
Ito ay pinangunahan ng Municipal Agricultural Office o MAO katuwang ang ilang ket partners sa pagsasagawa nito na layuning makapagbigay pa ng karagdagang kaalaman para sa mga locally-situated farmers’ organizations at cooperatives ng naturang bayan.
Ang inisyatibong ito ay sa direktiba mula sa Provincial Department of Agriculture na layuning mapaganda pa ang rice productivity maging ng adequacy levels o ang kasapatan ng aning palay ng mga magsasaka na tutugon sa pangangailangan ng mga kababayan.
Pinalakas pa ito ng pinagsamang mga interbensyon ng gobyerno at patuloy na matibay na pakikipagsosyo sa pagitan ng LGU at mga grupo ng mga magsasaka kasama ang mga stakeholder ng industriya ng bigas.
Ang mga benepisyaryo dito na sinanay ng Agriculture Training Institute (ATI) para sa partikular na hangaring ito, ay inaasahang makakatulong din sa mga magsasaka para sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka upang madagdagan ang produksyon ng bigas.