
Nag-uwi ng gintong parangal ang dalawang Dagupeño matapos magwagi sa International Music and Performing Arts Competition na ginanap sa Ho Chi Minh City, Vietnam, kung saan kinatawan nila ang Pilipinas sa nasabing pandaigdigang patimpalak.
Kinilala sina Jasmine Dioquino at Sophia Samonte sa larangan ng musika at performing arts matapos manguna sa kani-kanilang kategorya laban sa mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa.
Bilang pagkilala sa kanilang tagumpay, ginawaran sila ng Plaque of Commendation bilang Outstanding Dagupeños ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan City noong Lunes, Enero 5, 2026.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang kanilang pagkapanalo ay itinuturing na patunay ng husay at kakayahan ng mga kabataang Dagupeño sa pandaigdigang entablado at nagsisilbing inspirasyon sa iba pang kabataan na paunlarin ang kanilang talento. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










