Nagpapakawala ng tubig ang dalawang dam sa Luzon dahil sa patuloy pa rin na mga pag-ulan.
Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, nagpapakawala pa rin ng tubig ang Ipo dam sa Bulacan at Binga dam sa Itogon, Benguet.
Isang gate pa rin ang bukas sa Ipo dam na mayroong opening na labing limang (15) sentimetro.
Nasa 100.53 meters ang antas ng tubig ng Angat dam kaninang alas otso ng umaga na mas mababa sa 100.54 meters kahapon.
Gayunpaman, nananatiling mas mataas ang kasalukuyang antas ng Ipo dam sa normal high water level nito na 100.10 meters.
Ang Binga dam naman ay bukas ang isang gate na may opening na tatlumpung sentrimetro.
Nasa 573.98 meters ang antas ng Binga dam kaninang alas otso ng umaga na mas mataas sa 572.43 meters na naitala kahapon.
Patuloy naman na bumaba ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.95 meters kaninang alas otso ng umaga kumpara sa 80.15 meters kahapon ng umaga.