Dalawang dam sa Luzon, patuloy na nagpapakawala ng tubig ayon sa PAGASA

Patuloy pa rin na nagpapakawala ng tubig ang dalawang dam sa Luzon.

Ito ay dahil sa nananatiling mataas ang lebel ng tubig ng Angat Dam at Ipo Dam.

Batay sa talaan ng PAGASA Hydrometeorology Division, nasa 213.22 meters ang lebek ng tubig ng Angat Dam kaninang alas-6:00 ng umaga.


Dahil dito, tatlong gate ng Angat Dam ang bukas na may opening na dalawang metro.

Ayon sa PAGASA, ang Ipo Dam naman nasa 100.76 meters ang lebel ng tubig kaninang alas-6:00 ng umaga

Habang tatlong gate din ang bukas sa Ipo Dam na may opening na 1.70 meters.

Paliwanag ng PAGASA, posibleng tumaas pa ang lebel ng tubig ng nabanggit na mga dam dahil sa mga pag-ulan sa kanilang watershed.

Facebook Comments