DALAWANG DAM SA NORTHERN LUZON, NAGPAKAWALA NG TUBIG; SAN ROQUE DAM, MALAYO PA SA CRITICAL LEVEL

Binuksan ang ilang gate ng Ambuklao at Binga Dam sa Benguet matapos na tumaas ang lebel ng tubig sa mga reservoir at lumapit sa kanilang normal na maximum level, ayon sa PAGASA.

Isang gate ng Ambuklao Dam ang binuksan. Umabot na kasi sa 751.39 metro ang water level sa dam, halos katumbas ng normal high water level nitong 752 metro.

Samantala, dalawang gate naman ng Binga Dam ang binuksan nang. Ang kasalukuyang water level nito ay nasa 573.45 metro, malapit na rin sa normal na 575 metro.

Binabantayan naman ang San Roque dam na kasalukuyang malayo pa sa critical level.

Sa ngayon, bagamat nakitaan din ng pagtaas ang antas ng tubig ng ilang dam sa bansa, paglilinaw ng PAGASA na mababa pa rin ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments