Kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) sa Taguig Regional Trial Court (RTC) ang dalawang dating consultants ng Coins.ph sa ilalim ng ownership ng BETUR, Incorporated.
May kaugnayan ito sa hacking IT system ng naturang kompanya kung saan nakatangay daw ang dalawang Russian suspects ng ₱340.7 milyon na pondo.
Kinilala ng DOJ panel of prosecutors ang respondents na sina Vladimir Evgenevich Avdeev at Sergey Yaschuck .
Kasong paglabag sa Section 4 (a)(1) ng Republic Act (RA) No. 10175 o paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang isinampa ng DOJ laban sa dalawang Russians.
Ang Coins.ph ay nasa linya ng remittance, transmittal ng pera, foreign currency exchange at iba pang transaksyon sa pananalapi.
Facebook Comments