DALAWANG DATING MIYEMBRO NG CTG, SUMUKO SA PULISYA

SUMUKO sa awtoridad ang dalawang dating miyembro ng CTG sa barangay B Tayug Pangasinan sa ilalim ng “Oplan Panagsubli 11.0.
Sa pinagsanib pwersa ng Pangasinan 2nd PMFC (lead unit), Umingan PS, RID PRO 1, PIU Pang, 104th MC Regional Mobile Force Battalion 1, Delta Coy 71IB 71D PA, EOD/K9 Eastern Pangasinan at LGU Umingan, napasuko ng mga ito sina Diosdado Pariñas aka “Ka Joel”,at and Alfredo Valdez, aka “Ka Cardo”.
Isinuko din ng dalawa ang Caliber 38 Revolver na mayroong apat na bala at isang Granada.
Ang mga ito ay dating miyembro ng MB o Militia ng Bayan sa ilalim ng Sigmaru Unit Command ng KLG Sierra Madre.

Binigyan ang mga ito ng dalawang sako ng bigas at cash gifts at itinurn over sa lokal na pamahalaan ng Umingan.
Ang isinukong baril at bala ay nasa kustodiya na ng 2nd PMFC at ang Granada ay itinurn over sa 6th District Explosive Ordnance Disposal (EOD) and Canine Unit para sa tamang disposisyon. |ifmnews
Facebook Comments