Dalawang dayuhan, halos dalawang taon nang stranded sa NAIA dahil sa pandemya!

Halos dalawang taon nang stranded ang dalawang dayuhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nakilala ang dalawang na sina Emmanuel Josaiah Johnson mula sa Liberia at Alain Njogho Acha na taga-Cameroon.

Nananatili sa lounge ng NAIA terminal 2 ang dalawang dayuhan simula nang ipatupad ang lockdown sa bansa noong 2019 dahil sa COVID-19 pandemic.


Ayon sa Bureau of Immigration, nabigo ang dalawa na makakuha ng Asylum sa bansa.

Dahil dito, agad na itinurn-over ang mga ito sa Philippine Airlines (PAL) para sa deportation kung saan sinagot ng flag carrier ang kanilang pagkain araw-araw.

Nakatakda sana umalis sa bansa ang dalawa noong Oktubre ngunit tumanggi ang isa na sumakay ng eroplano habang naghihintay pa rin ng clearance ang isa sa country of origin nito.

Batay sa data ng United Nations Refugee Agency, simula 2015, mahigit 1,400 refugees na ang nag-a-apply ng Asylum sa Pilipinas.

Facebook Comments