DALAWANG DEAF ATHLETES NA PANGASINENSE, SASABAK SA INTERNATIONAL SPORTS COMPETITION, KILALANIN

Kilalanin sina Jamela Gonzales Prestoza, tubong Pozzorubio at si Edwin Advincula na mula sa bayan ng Binalonan, sila ang dalawang deaf athlete na sasabak sa international sports competition na 1st at 4th World Deaf Youth Table Tennis Championship na nag umpisa na nitong nakaraang July 8 at magtatapos ito sa July 20 ngayong taong 2023 na nagaganap ngayon sa bansang Taipei, Taiwan.
Suportado ng lokal na pamahalaan ng Pangasinan ang mga kalahok. Sina Jamela at Edwin ay kabilang sa Philippine National Team. Sila ay nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta at nagbigay tulong sa kanilang patuloy na laban.
Kahit may kapansanan man, huwag mahihiyang ipakita sa buong mundo at maging inspirasyon ng karamihan para sa patuloy na laban at hamon ng buhay. |ifmnews

Facebook Comments