
Mabilis na tinugunan ng Plaza Miranda Police Community Precinct ang dalawang deboto na nahimatay kanina sa gitna ng pagdiriwang ng Pista ng Poong Jesus Nazareno.
Batay sa impormasyon, ang dalawang deboto ay nahimatay dahil sa gutom, pagod, at puyat dito sa gilid ng simbahan.
Agad namang narespondehan at nabigyang-lunas ang dalawang deboto.
Samantala, paalala naman ni Plaza Miranda Police Community Precinct Pol. Capt. Dennis Turla sa mga deboto, maiging sumunod sa mga ipinatutupad ng simbahan ng Philippine National Police (PNP) at ng lokal na pamahalaan para sa mapayapang pagdiriwang ng Pista ng Poong Jesus Nazareno.
Pakiusap din ni Turla sa mga magulang na magsasama ng mga bata dito sa Quiapo, siguraduhing hindi mabibitawan ang mga anak.
Wala pa naman aniyang naiuulat sa kanila na nawawalang bata.
Batay naman sa Quiapo Church Command Post, as of 7am ay umabot sa 65,000 ang crowd estimate dito lamang sa simbahan ng Quiapo.










